Special Assistant to the President Bong Go, binisita ang mga biktima ng sunog sa Sta. Cruz, Maynila

 

Binisita ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga nabiktima ng malaking sunog na tumupok sa higit-kumulang 200 kabahayan sa Sta. Cruz, Maynila.

Personal na ibinigay ni Go ang ilan sa kanyang mga personal na gamit sa mga nasunugan kabilang ang mga damit at sapatos.

Sinabi pa ni Go na ang kanyang pagpunta ay upang ipaalam sa mga biktima ang kalungkutan ng pangulo tungkol sa pangyayari.

Aniya , makakaasa ang mga pamilya ng tulong mula sa gobyerno at gagawin nito ang lahat para sa mga biktima.

Ayon kay Go, ang mas importante  ay walang nasawi sa sunog.

Samantala, bukod sa tulong mula sa DSWD at DOH, ay sinabi ni Go na naghanda ng mga packed groceries at financial aid ang Office of the President.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *