PNP pagtutuunan naman ng pansin ang seguridad sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante sa susunod na buwan

Pagkatapos ng ng eleksiyon nitong nakaraang Lunes, patuloy na itataas ng PNP ang seguridad para naman sa darating na pasukan ng mga estudyante sa June 3.

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, bagaman kasama sa inilatag na security plan ng PNP na bantayan ang mga papasok na estudyante, mananatili pa rin na nakatutok ang kanilang hanay sa magiging security set up sa June 3 kung kailan magsismula na ang klase sa taong ito.

Bukod dito ay titiyakin din ng PNP na kanilang maipapatupad ang seguridad hanggang matapos ang election period sa June 12.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *