Safe and responsible driving, muling ipinanawagan ng LTO

Muling umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na ipatupad ang ligtas at responsableng pagmamaneho.

Ito ang ipinanawagan ng ahensya sa pagdiriwang ng road safety awareness ngayong  Mayo at pagdiriwang ng 107th anniversary ng tanggapan.

Nauna rito, isinagawa ang simultaneous road safety seminar sa lahat ng regional lto offices na dinaluhan ng mga sangguniang kabataan members, mga estudyante mula sa iba’t-ibang mga paaralan, mga pedestrian at drivers.

Sinabi ni LTO Las Piñas Chief Joselito Luarca na napapanahon ang seminar dahil na rin sa sunud-sunod na nangyayaring aksidente sa kalsada.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *