PNP walang nakikitang malaking banta sa seguridad ng bansa ngayong 2023 mula sa mga rebeldeng komunista

Nananatiling minomonitor ng Philippine National Police o PNP Intelligence group ang galaw ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office o PIO Chief Police Colonel Redrico Maranan sa ambush interview sa Kampo Krame.

Sinabi ni Maranan, malaking dagok sa hanay ng npa ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison.

Ayon kay Maranan sa ngayon ay wala pang pumalit kay Sison bilang pinuno ng CPP-NPA.

Inihayag ni Maranan dahil sa matinding kampanya ng pulisya at militar laban sa mga rebeldeng kumunista nahihirapan ang mga ito sa kanilang komunikasyon para makapili ng bagong lider na kapalit ni Sison.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *