Pondo ng Department of Agriculture sa 2025 National Budget, hindi dapat bawasan ayon sa isang kongresista
Sa halip na bawasan, dapat pang dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture o DA na nakapaloob sa 2025 national budget.
Ito ang apela ni Agri Partylist Representattive Wilbert “Wise” Lee sa mga kapwa mambabatas sa kamara at senado, ngayong pinag-uusapan ang consolidation ng 2025 National Budget matapos dumaan sa Bicameral Conference Committee.
Batay sa ginawang pagtalakay ng kamara at senado sa budget ng DA para sa susunod na taon, kalahati lamang ng 500 billion pesos na panukalang budget ng DA sa 2025 ang pinagtibay.
Iginiit ng mambabatas, na ang kakulangan sa pondo ng agrikultura ay nangangahulugan na nanganganib ang food security ng bansa.
Vic Somintac