Presidential spokesperson Salvador Panelo, nag-joyride sa ginawang Commute challenge

Inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nag-joyride siya sa ginawang commute challenge kaya umabot ng tatlong oras at kalahati ang kanyang biyahe.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Panelo na sinadya niyang umikot para iligaw ang media na nag-aabang sa kanyang biyahe.

Ayon kay Panelo natulog siya sa bahay ng kanyang anak sa New Manila sa Quezon City at sumakay ng jeep ng alas 5:15 ng umaga patungong Cubao.

Mula Cubao muling sumakay ng jeep patungong Concepcion Marikina kung saan dapat siya mag-umpisa ng commute challenge.

Mula Concepcion Marikina muling sumakay ng jeep pabalik ng Cubao at muling sumakay ng jeep papuntang JP Laurel gate ng Malakanyang.

Mula JP Laurel sumakay ng motorsiklo si Panelo papasok ng New Executive Building ng Malakanyang kung saan siya na-oopisina ganap na alas 8:00 na ng umaga.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *