PRRD-BBM meet nangyari bago ang PDP-Laban endorsement – Senador Bong Go

Kinumpirma ni Senador Bong Go na nakipagpulong si Presidential aspirant Bongbong Marcos kay Pangulong Duterte sa Malacañang.

Nangyari ang meeting nitong weekend bago pa man  iproklama ng PDP-Laban si Marcos bilang kandidato na kanilang susuportahan sa halalan.

Ang meeting aniya ay inarrange ng mga lider ng PDP-Laban.

Ayon kay Go, mahaba ang naging pag- uusap ng Pangulo at ni BBM.

Aniya nagbahagi ang Pangulo kay BBM ng kaniyang mga experience sa kaniyang halos anim na taon na sa pwesto.

Natalakay aniya ang mga programa na ginawa ng administrasyon sa isyu ng kurapsyon, paglaban sa iligal na droga lalo na kung paano nalagpasan ang krisis sa COVID-19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: