Miss Eco International 2022 Kathleen Paton, nakauwi na sa bansa

Balik na muli sa Pilipinas ang bagong Miss Eco International na si Kathleen Paton.

Si Paton ang ikalawang Pinay na kinoronahan ng nasabing titulo.

Ginanap ang beauty pageant sa Cairo, Egypt noong March 18.

Ayon kay Paton, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nagwagi na Miss Eco International.

Aminado siya na bilang kinatawan ng Pilipinas ay nakadama siya ng pressure sa pagsabak sa kompetisyon.

Pero ginawa aniya ang higit sa kanyang makakaya at tiniyak na ang kanyang pag-iisip at pag-uugali ay akma para sa isang beauty queen.

Interesado naman si Paton na pumasok sa show business at subukan ang modeling at hosting.

Gayunman, mas nais ni Paton na pagtuunan ang kanyang mga adbokasiya gaya ng mental health awareness at maglakbay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Moira Encina

Please follow and like us: