Publiko pinagiingat sa mga online love scams

Binalaan ng Bureau of Immigration ang publiko laban sa online love scams.

Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval na may mga ulat na aktibo na naman ang sindikato na pumupuntirya sa mga Pinay kung saan ang pinakahuling biktima ay mula sa Cebu.

Ang modus ng sindikato ay kakaibiganin at liligawan ng dayuhan ang Pinay na nakilala nila sa internet.

Padadalhan ng banyaga ang Filipina at ang pamilya nito ng regalo para makuha ang tiwala ng biktima.

Ayon sa BI, nagpapanggap lang na dayuhan ang mga nasabing scammer na parte ng sindikato.

Mag-a-arrange ang sindikato ng meet up sa biktima kung saan palalabasin na sila ay tutungo sa Pilipinas.

Sa oras ng sinasabing arrival ng dayuhan sa Pilipinas ay makakatanggap naman ng tawag ang biktima mula sa nagpapanggap na Immigration officer na sasabihing may atraso ang banyaga at hihingan ng pera ang biktima.

Kapag naipadala na ng biktima ang pera ay mawawalan na ito ng contact sa foreigner.

Sa pinakahuling insidente, umabot anya sa 18 thousand pesos ang ibinayad ng biktima sa sindikato kapalit ng kalayaan ng nagpakilalang  dayuhan.

Paliwanag ng BI hindi otorisado ang mga immigration officers na kontakin o tawagn ang mga non-passengers at mas iligal na magdemanda ito ng pera kaninoman.

Alinsunod sa panuntunan ng BI, inilalagay lang nila sa kustodiya nila ang dayuhan kapag ito ay hindi pinayagang makapasok sa  bansa at agad ding pinapabalik sa port of origin o pinagmulan nitong bansa.

We heard of a victim paying as much as P40,000 to the scammer, and she only started doubting the story when he asked for another P60,000,” said Sandoval.  “Just this Monday, we received information that another victim paid P18,000 to the syndicate for the release of a foreign national, who, upon verification, does not exist,”

“Immigration officers are not authorized to make the first contact to non-passengers during their tour of duty. It is even more illegal to demand money from anyone,”

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *