Puganteng Hapon na matagal ng nagtatago sa bansa arestado ng Bureau of Immigration

Matapos ang siyam na taong pagtatago sa bansa, arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang puganteng Japanese national na dating miyembro ng Japanese Yakuza at wanted sa kanyang bansa dahil sa kasong fraud.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Katsumi Ohno, 71 anyos, na naaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng BI sa Pasay City.

Si Ohno ay kasalukuyang nakadetine sa BI Jail facility sa Taguig habang inihahanda ang Deportation proceedings laban sa kanya.

Inilagay na rin ito sa blacklist ng BI para hindi namuling makapasok sa bansa.

Nabatid na dumating sa bansa ang nasabing dayuhan noong 2011 bilang turista, habang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay napaso na umano ang pasaporte nito.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *