Referral ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, may epekto pa rin sa kaso ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez

Naka pressure rin umano sa Board of Pardons and Parole ang paggamit ni Presidential spokesman Salvador Panelo ng letterhead ng Malacañang para sa referral ng executive clemency sa convicted rapist na si Antonio Sanchez.

Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, ang referral mula sa palasyo ay isang perception of power.

Bukod rito, si Panelo aniya ang nagsilbing abugado ni Sanchez noong nililitis ang kaso hanggang mahatulan siya ng Korte.

Nauna nang nabunyag sa pagdinig ng Senado na isa si Panelo sa nagbigay ng referral sa pamilya Sanchez para sa executive clemency.

Pabor naman si Drilon sa mga panukalang paharapin si Panelo sa pagdinig ng Blue Ribbon committee dahil sa mga impormasyon na dalawang beses pa itong nakipag-usap sa pamilya Sanchez bago sumulat sa BPP.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *