Residential area sa Ermita, Maynila nasunog

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Trinidad st., Ermita, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas-2:00 ng madaling araw kanina sa tahanan ni Angelita Muñoz at agad itong iniakyat sa ikalawang alarma.

Nadamay ang mga katabi nitong bahay kaya mabilisang naghakot ng mga kagamitan ang mga residente.

Tinatayang aabot sa limang milyong piso ang halaga ng napinsala sa sunog.

Bandang alas-3:30 na ng madaling araw nang maideklarang fire under control ang sunog.

Aabot sa limang bahay ang nasunog at aabot naman sa 20 pamilya ang naapektuhan.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *