Resignation letters nina SRA Administrator Serafica and Board member Atty. Beltran, tinanggap ni PBBM

Agad na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinumiteng resignation letter nina Sugar Regulatory Administrator Hermenegildo Serafica at Board Member Attorney Roland Beltran bunsod pa rin ng inisyung ilegal na sugar order number 4 para sa importasyon sana ng 300 libong metriko toneladang asukal.

Ito ang kinumpirma mismo ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa pamamagitan ng inisyung dalawang liham na may petsang August 15, 2022 bilang tugon sa resignation letter nina Serafica at Beltran.

Si Serafica ay nagbitiw sa puwesto noong August 10 habang si Beltran naman ay nitong August 14, 2022.

Hindi naman kinumpirma ni Rodriguez kung tinanggap na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibitiw sa puwesto ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na nagsumite ng resignation letter noong August 11, 2022 bunsod ng kaniyang papel sa illegal at unauthorized na paglagda sa sugar importation order.

Eden Santos

Please follow and like us: