Resignation ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, natanggap na ni Pangulong Duterte

 

Nakarating na sa Office of the President ang resignation ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na ibinigay niya kay Pangulong Duterte ang resignation ni Assistant Secretary Uson.

Ayon kay Secretary Go, pinasasalamatan ng Office of the President ang ginawang paglilingkod ni ASEC Uson sa Presidential Communications Office.

Inihayag ni Secretary Go, nasa abroad pa lang si Uson ay tumawag na ito at ipinaalam ang kanyang intensiyon na magbitiw sa kanyang puwesto.

SAP Bong Go statement: 

“Nirerespeto po namin ang kanyang pagre-resign at nagpapasalamat rin kami kay asec. mocha sa kanyang naging serbisyo po sa gobyernong duterte. naging good ally po siya.”

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *