Road repair at reblocking isasagawa ng DPWH sa ilang bahagi ng EDSA at C5 Road ngayong long weekend

Inabisuhan ng DPWH ang mga motorista na makakaranas ng pagbagal ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA at C5 Road ngayong long weekend dahil sa pagpapatuloy ng isinasagawang road reblocking at repairs.

Ayon kay DPWH-NCR  Director Melvin Navarro, magsisimula ang reblocking at repair activities ng alas onse ng gabi ngayong Biyernes, November 2 at magtatagal hanggang ala singko ng umaga ng Lunes, November 5.

Ang mga apektadong kalsada sa EDSA southbound direction ay mula sa Scout Albano hanggang sa Scout Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk.

Sa northbound direction naman ng EDSA ay bago Oliveros Footbridge mula bago mag- Globe Master, 2nd lane at  bago mag- Times Street hanggang bago ang UCCP, 1st lane.

Ilan pa sa kukumpunihing kalsada ay ang Southbound direction ng C-5 Road mula at pagkatapos ng Lanuza Avenue; at mula sa malapit sa SM Aura, 2nd outermost lane.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *