SAP Bong Go, binisita ang pamilya ng 3 batang nalunod sa Tullahan river

Binisita ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang pamilya ng tatlong bata na nalunod sa Tullahan river noong Linggo habang naglalaro.

Alas-10:00 kagabi nang dumating si Go at una nitong pinuntahan ang pamilya ni Jillian Salud, ang batang unang natagpuang palutang-lutang sa ilog.

Nakiramay at binahagian ng ayuda ni Go mula sa pamahalaan ang pamilya Salud.

Sunod namang pinuntahan ni Go ang pamilya Tejadilla, na mga magulang ni Kerby at Reiner.

Ipinarating ni Go sa dalawang pamilyang naulila ang pakikiramay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatanggap ng cash assistance ang pamilya ng mga kabataang nasawi  at iba pang tulong para makarekober ang mga pamilyang nagdadalamhati.

Nakatakdang ilibing  si Jillian at Kerby ngayong linggong ito habang si Reiner naman ay  mauunang ililibing dahil sa kalagayan ng bangkay nito.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *