SC Justice Samuel Martires nanguna sa shortlist ng JBC para sa posisyon ng Ombudsman…Labor Sec Silvestre Bello III nadiskwalipika

May shortlist na ang Judicial and Bar Council para sa posisyon ng Ombudsman.

Si Supreme Court Associate Samuel Martires ang nanguna sa listahan kung saan nakakuha ito ng unanimous vote na anim.

Pasok din sa JBC shortlist si retired Sandiganbayan Presiding Justice at ngayo’y Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval na may limang boto.

Napasama rin sa listahan ang San Beda University law classmate at fraternity brother ni Pangulong Duterte na si Atty. Felito Ramirez na nakatanggap ng apat na boto.

Naipadala na ng JBC ang transmittal letter ng shortlist nito sa Malakanyang.

Mayroong 90 araw si Pangulong Duterte para pumili ng susunod na Ombudsman.

Samantala, nadiskwalipika naman sa posisyon si Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa sinasabing may nakabinbin itong kasong syndicated Estafa sa DOJ.

Nakatakdang bakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang posisyon sa July 26.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *