Second dose vaccination, ipinagpatuloy sa Sampaloc

Ipinagpapatuloy ngayong araw ang pagbabakuna sa Moises Salvador Elementary School sa Sampaloc, Maynila.

Nagsimula ang pagbabakuna kaninang alas 7:00 ng umaga at tatagal hanggang alas-5:00 mamayang hapon.

Hinati ang batch sa dalawang grupo para hindi na maghintay ng mahabang oras ang mga babakunahan.

Karamihan sa nabakunahan ng 2nd dose vaccine ay mga senior citizen.

Pinangunahan ni Dra. Teresita Natividad ang pagbabakuna, katuwang ang mga kawani ng Manila Health Department.

Samantala, mahigpit namang naipatupad ang pagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa loob ng vaccination room.

Patuloy namang hinihikayat ng mga health officer ang publiko, na magpabakuna na upang maging protektado laban sa COVID-19.

Charlyn Barlaan

Please follow and like us: