Security preparations ng PNP-HPG, nakahanda na ngayong election period

Abala at nakahanda na ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ngayong election period.

Ayon kay PNP-HPG Director Chief Supt. Roberto Fajardo, kasama ang kanilang puwersa sa mga security preparations para sa nalalapit na May 2019 elections gaya ng pagsubaybay sa mga checkpoints, pagsama  sa mga joint operations ng mga police stations, maging ng MMDA at LTFRB kung kinakailangan.

HPG din aniya ang in-charge sa pagtransfer ng mga ballot boxes mula presinto patungong Comelec at pabalik.

Actually naka-prepare po tayo at may sinusundan tayong template nyan at sumusunod tayo sa order ng ating National headquarters. So dun tayo kumukuha ng order so naka-in place na ang ating security preparations at mga escort this coming election”.

Samantala, ipinagmalaki rin ni Fajardo na bumaba ng 30 porsyento ang kaso ng carnapping sa bansa.

Nakatutok din aniya sila sa mga scam gaya ng: rent-tangay at rent-sangla.

 

===========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *