Seguridad sa LRT-1, mas hinigpitan

 

Daragdagan ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT-1)  ang mga CCTV sa kanilang mga istasyon kasunod ng pambubugbog ng lasing na pasahero sa isa nilang security guard.

Ayon kay LRT-1 operations head Rod Bulario, partikular na lalagyan ng CCTV ang hagdan sa mga istasyon.

Sa hagdan kasi ng Pedro Gil station naganap ang pambubugbog ng isang lasing na lalaki sa gwardya ng LRT-1.

Sa ngayon ay mahigpit ang seguridad sa lahat ng himpilan ng LRT-1 kung saan may nakatalagang mga pulis bukod sa security personnel ng tren.

Apela ni Bulario sa mga pasahero, sundin ang kanilang patakaran kabilang ang pagbabawal sa pagsakay ng lasing na pasahero.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *