Seguridad sa Malakanyang, doble higpit dahil sa Anti- Martial law at Anti – Administration rally

 

Dinoble ng mga kagawad ng Presidential Security Group o PSG ang seguridad sa buong Malacañang complex.

Ang paghihigpit ng seguridad sa Malakanyang ay may kinalaman sa isinasagawang Anti – Martial law at Anti -Duterte protest ngayong araw.

Hindi na pinapapasok sa Malacañang complex ang mga public utility vehicle.

Tanging ang mga private vehicle na may security access pass lamang ang pinapapasok sa malakanyang complex matapos dumaan sa mahigpit na security check.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay wala sa palasyo ng Malakanyang dahil bibisita sa mga biktima ng malagim na landslide sa Naga, Cebu.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *