Senador Antonio Trillanes, hihintaying maglabas ng ruling ang Korte Suprema sa isyu ng kaniyang amnestiya bago siya tuluyang umuwi ng bahay

Kahit wala pang Warrant of Arrest, wala pa ring balak umuwi ng bahay si Senador Antonio Trillanes.

Hihintayin niya raw na maglabas ng ruling ang Makati RTC at Korte Suprema sa isyu ng kaniyang amnestiya.

Aniya, sa kabila  kasi ng assurance ng mga otoridad kabilang na si Defense Secretary Delfin Lorenzana, may mga nagmamanman at sumusunod sa kanya.

Ayaw tukuyin ng Senador kung ito ay mga pulis o sundalo pero nang lumabas raw ang kaniyang sasakyan noong Miyerkules hanggang kahapon, may mga nakamotor na sumunod sa sasakyan na minamaneho ng kaniyang mga tauhan.

Nakunan ng larawan ng kampo ni Trillanes ang aniya’y nagsasagawa ng surveillance sa kanya na madalas lang nag-aabang sa labas ng Senado.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *