Senador JV Ejercito at dating Senador Lito Lapid planong tumawid sa Nationalist People’s Coalition

Pinag aaralan na ni Senador JV Ejercito na tumawid sa bakod ng Nationalist People’s Coalition.

Sinabi ni Ejercito na hindi magandang tingnan kung magdedesisyon siyang tumakbo sa 2019 Elections pero pareho silang partido ng kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada na partido ng Masang Pilipino.

Plano ni Ejercito na kausapin muna ang ama na si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada para ipaalam ang paglipat sa NPC.

Mas komportable aniya siya sa NPC kumpara sa PDP-Laban na partido ni Pangulong Duterte dahil nasa NPC ang karamihan sa kaniyang mga kaibigan.

Samantala kinumpirma naman ni Senate President Vicente Sotto na bukod kay Ejercito, plano na ring lumipat sa NPC ni dating Senador Lito Lapid.

Si Lapid ay miyembro ng Lakas, kampo ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Arroyo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *