Senador Koko Pimentel handang isuko ang pagka-Pangulo ng PDP-Laban

Nakahanda si Senador Aquilino “Koko” Pimentel na bitiwan ang kaniyang posisyon bilang Pangulo ng PDP-Laban.

Sinabi ni Pimentel na hindi naman siya kapit tuko sa puwesto pero hindi siya papayag na ang maitalagang kapalit ay ang nag-aangking kapartido na si Rogelio Garcia.

Katwiran ni Pimentel, siya ang nagtanim, umani at nagluto para lumago ang partido at hindi niya ito ipauubaya sa mga personalidad na ang nais lamang ay makuha ang jackpot.

Pinasaringan ni Pimentel ang grupo ni Garcia at iginiit na kailangan muna nilang magbanat ng buto.

Si Garcia ay matagal nang miyembro ng PDP-Laban at naging kaklase ni Pangulong Duterte.

Ang grupo nito ang naglunsad ng assembly sa Quezon City kung saan naghalal pa sila ng mga bagong opisyal ng PDP-Laban.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *