Senadora Leila De Lima, itutuloy ang laban para patunayang inosente sa ibinibintang na drug trading

Iaapela ni Senadora Leila de Lima ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa kaniyang apila na mapawalang bisa ang arrest warant sa kasong iillegal drug trade.

Sa kaniyang tatlong pahinang sulat kamay na mensahe, tiniyak ni de Lima na itutuloy nIya ang laban para patunayang inosente sIya sa mga ibinibintang na kaso.

Inamin ng senador na masyado syang nasaktan sa desisyon ng Supreme Court dahil mga bogus na kaso umano ang inimbento ng gobyerno at biktima lang sya ng umanoy paghihiganti ng pangulo.

Ang bawat sandali nya raw sa kulungan ay pagdurusa bunga nga aniya’y injustice at political persecution ng gobyerno.

Sanaaniya maramdaman din ng mga mahistrado na bomoto laban sa kanyang petisyon ang matinding paghihirap na pinagdaraanan nya na ipinakulong gayong inosente at walang matibay na ebidensya sa pagkakadawit sa illegal drug trade.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *