Senate majority leader Vicente Sotto, suportado ng 14 na Senador bilang susunod na Senate President

Suportado na umano ng 14 na Senador si  Senate majority leader Vicente Sotto sakaling ito na ang pumalit kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel bilang susunod na Senate President.

Si Pimentel ay inaasahang bababa bilang senate president oras na maghain ito ng kaniyang Certificate of Candidacy sa Oktubre para kumandidato sa may 2019 midterm elections.

Pero ayon sa Senador na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan, pag-uusapan pa ang isyu sa ipinatawag na Majority caucus sa susunod na linggo.

Nauna nang sinabi kahapon ni Pimentel na posibleng magkaroon ng balasahan sa Senate leadership.

Handa aniya siyang bumaba sa pwesto depende sa magiging sentimyento ng mga kasamahan sa Senado.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *