Senate President Tito Sotto bumisita kay Senador Leila de Lima

Personal na binisita kaninang umaga ni Senate President Vicente Sotto si Senador Leila de Lima sa PNP Custodial center sa Kampo krame.

Ayon kay Sotto, ginawa nya ito para personal na makita ang kundisyon ni De Lima.

Pinag usapan din aniya nila ang mga panukalang batas na isinusulong ni delima at mga paraan kung paano ito makakasama sa mga ginagawang pagdinig ng Senado.

Si De Lima ay mahigit isang taon ng hindi nakakadalo sa mga committee hearings at sesyon matapos itong ipaaresto ng muntinlupa rtc sa kasong pagpapakalat ng iligal na droga sa New Bilibid prison.

Nauna nang hiniling ni De Lima sa Korte Suprema na payagang makadalo sa mga committee hearings at sesyon sa Senado.

Senador Sotto:
“Binisita ko si Sen. De Lima para makita ang kanyang kalagayan. Pinagusap din namin ang mga bills na kanyang sinusulong at kung papaano siya makakasama sa mga hearings”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *