Senate President Vicente Sotto, desididong isulong ang Train 2

Desidido na si Senate President Vicente Sotto III na isulong ang ikalawang batch ng Train law.

Sinabi ni Sotto na kumbinsido siyang hindi magtataboy sa mga negosyante ang Train 2.

Kumikita naman aniya ang karamihan sa mga negosyo gaya ng mga BPO industry kaya malabo ang pinangangambahang exodus ng mga negosyo.

Sa paliwanag aniya ng mga Economic managers, isasayos at gagawin lang patas ang pagkolekta ng buwis sa mga korporasyon at mga negosyo.

Sa panukala babawasan ang 30 percent na corporate income tax at tatangalin na rin ang mga incentives na ayon sa mga economic managers ay pakikinabanabangan ng 65 percent ng mga small and medium enterprises.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *