Sitwasyon sa mga kalsada ng Brgy. Travesia, Guinobatan, Albay habang binabayo ng Super Typhoon Rolly

photo credit: Rebert Daza

Malalakas na hangin at ulan ang naranasan sa lalawigan ng Albay simula pa alas-3:00 ng madaling-araw kanina hanggang alas-7:00 ng umaga.

Alas-9:00 ng umaga ay nag-zero visibility ang lalawigan dahil sa tindi ng hangin at ulan.

Sa mga larawang ipinadala ni EBC Correspondent Rebert Daza, may mga nabuwal na poste at kawad ng kuryente at mga bahay na nagiba ng hangin.

Sa ngayon ay may mga evacuees sa mga bayan ng Guinobatan, Camalig Tabaco at Tiwi.

Kagabi pa ay wala ng kuryente sa buong lalawigan.

Please follow and like us: