Sobra-sobrang pagbiyahe sa abroad ng mga government officials, pinasisilip na rin ng Malakanyang sa PACC

Kinumprima ng Malakanyang na kasama sa pinasisilip sa Presidential Anti Corruption Commission o PACC ang sobra sobrang pagbiyahe ng mga government officials sa abroad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw ang possisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na lumulustay sa pondo ng pamahalaan.

Ayon kay Panelo spcial mention ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address o SONA ang patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon.

Magugunitang pinaiigting na ng PACC ang mga isinasagawang inbestigasyon at lifestyle check sa mga inirereklamong opisyal ng gobyerno na gumagawa umano ng katiwalian.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *