Solicitor General Jose Calida hinamon si Senador Antonio Trillanes IV na magpaka-lalaki at harapin ang mga kaso laban sa kanya

 

Hinamon ni Solicitor General Jose Calida si Senador Antonio Trillanes IV na magpaka-lalake ito at harapin ang mga kaso laban dito.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hirit na TRO ni Trillanes laban sa Proclamation 572 at kilalanin ang hurisdiksyon ng mababang hukuman sa mga kaso laban kay Trillanes.

Ayon kay Calida, malinaw na ang mga walang  basehan pahayag ni Trillanes laban sa proklamasyon ay pawang delusyon lamang ng senador.

Ikinatuwa ni Calida ang desisyon ng Supreme Court na kilalanin din na binibigyan ng Proclamation 572 si Trillanes ng due process kaya walang nakitang matinding pangangailangan ito para magisyu ng TRO.

Una nang kinumpirma ni Pangulong Duterte na si Calida ang kumalkal sa amnesty records ni Trillanes na naging daan para ipawalang-bisa nito ang amnestiya ng Senador.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *