SONA ni Pangulobg Duterte nasa 19 pages; 45-minute delivery kung walang adlib – Malakanyang

Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar na nasa 19 pahina na lamang mula sa dating 28 pahina na script ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Andanar hands-on si Pangulong Duterte sa pag-edit ng kanyang magiging talumpati at nakailang beses na itong dumaan sa mga revisions.

Ayon kay Andanar posibleng aabot lamang sa 45 minuto hanggang isang oras ang delivery ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA pero depende  sa mood nito mamayang hapon kung mag-adlib.

Una ng inianunsyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tatalakayin ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ngayong taon ang mga pangako nitong may kinalaman sa pagsugpo sa korupsyon, iligal na droga at rebelyon.

Inihayag ni Panelo na babanggitin rin ni Pangulong Duterte ang isyu ng West Philippine Sea, ang mga paraan para palaguhin ang ekonomiya at ang mga plano nito para sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *