Suporta para sa bagong House Speaker, tiniyak ng mga Kongresista

Wala nang tension ngayon sa mga mambabatas matapos ang pagpapalit ng House Speakership.

Sa panayam ng programang Eagle in Action kay 3rd District Pampanga Representative Dong Gonzales, sinabi nitong masaya  ang lahat sa naging resulta ng pagpapalit ng liderato ng Kongreso.

Bagamat malalim aniya ang pinagsamahan nila ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, nakahanda siyang suportahan ang bagong House speaker sa katauhan ng kaniyang kababayang si Cong. Gloria Arroyo.

Naniniwala siya na  sa kanila ng nangyari ay susuportahan pa rin ni Alvarez ang pamumuno ni Arroyo sa Mababang Kapulungan dahil malawak naman aniya ang pag-iisip nito.

Hanga rin siya kay Arroyo sa iba’t-ibang matataas na posisyong hinawakan nito sa pamahalaan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *