Suporta sa BBM-SARA Uniteam, Inaasahang lalakas – Senador Tolentino

Inaasahang lalo pang lalakas ang suporta ngayon ng ibat ibang organisasyon at partido politikal sa tambalan nina Presidential candidate Bongbong Marcos at katandem na si Mayor Sara Duterte.

Kasunod ito ng ginawang pag- eendorso ng partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban kay BBM bilang pambato sa pagka Pangulo sa eleksyon sa Mayo.

Para kay Senador Francis Tolentino, ngayong nagsalita na ang PDP-Laban, maaring makapagdesisyon na rin ang ibat ibang political party kung sino ang susuportahan sa halalan.

Sa kick off campaign ng mga local candidate sa biyernes inaasahan na aniyang lantaran na rin ang gagawing kampanya ng mga kandidato para kina BBM at Duterte.

Sa kanila raw assessment sa PDP-Laban pa lamang, maaring 25 percent pa ang madagdag sa kasalukuyang supporters ng tambalang BBM at Duterte.

Meanne Corvera

Please follow and like us: