Tatlong Israeli hostages, nakatakdang palayain ngayong Sabado

Inaasahang palalayain na ngayong Sabado ng Palestinian militant group na Hamas ang tatlong Israelis, kapalit ng Palestinian prisoners sa ilaim ng isang truce na naglalayong buksan ang daan sa pagtatapos ng 15-buwan nang biyera sa Gaza.
Ang tatlong Israeli na kinabibilangan ni Yarden Bibas, ama ng dalawang mas nakababatang bihag na si baby Kfir, na siyam na buwan lamang nang siya ay dukutin ng Hamas-led gunmen noong Oct 7, 2023, at Ariel, na apat na taon naman nang mangyari ang cross-border attack.

Yarden Bibas, an Israeli hostage who was kidnapped in the deadly October 7 2023 attack by Hamas, is pictured in this undated handout photo. Courtesy of Bring Them Home Now/Handout via REUTERS
Noong Nobyembre 2023 ay sinabi ng Hamas, na ang mga bata at ina ng mga ito na si Shiri, na kasabay ding dinukot nang mga panahong iyon, ay napatay sa isang Israeli airstrike. Wala nang naging balita pa mula noon.
Ang US-Israeli dual national na si Keith Siegel at ang French-Israeli dual national na si Ofer Kalderon, ay kasama rin ng magiging kapalit ng 182 Palestinian prisoners at detainees, ayon sa Hamas.

Keith Siegel, an Israeli hostage who was kidnapped in the deadly October 7 2023 attack by Hamas, and is declared dead by Israeli authorities, is pictured in this undated handout photo. Courtesy of Bring Them Home Now/Handout via REUTERS

Ofer Kalderon, an Israeli hostage who was kidnapped in the deadly October 7 2023 attack by Hamas, is pictured in this undated handout photo. Courtesy of Bring Them Home Now/Handout via REUTERS
Ngayong Sabado rin inaasahan ang unang paglalakbay ng mga Palestinian mula Gaza patungong Egypt, sa pamamagitan ng Rafah crossing na muli nang binuksan.
Una itong bubuksan para sa 50 injured militants at 50 wounded civilians, kasama ng mga taong escort nila, habang ang dagdag na 100 katao, na malamang na karamihan ay mga estudyante, ay papayagang dumaan sa humanitarian grounds.
Labinglima sa 33 hostages na nakatakdang palayain sa unang stage ng ceasefire, ay napakawalan na kapalit ng 400 Palestinian prisoners at detainees.
Ang mga negosasyon ay nakatakdang simulan sa Martes tungkol sa mga kasunduan ng pagpapalaya sa mahigit 60 natitirang mga bihag at ang pag-atras ng Israeli troops mula sa Gaza sa second phase ng kasunduan.
Ang inisyal na anim na linggong ceasefire, na pinamagitanan ng Egyptian at Qatari mediators at sinuportahan ng Estados Unidos, ay nasusunod naman sa kabila ng ilang mga insidente na humantong upang akusahan ng magkabilang panig ang isa’t-isa nang paglabag sa kasunduan.
Samantala, iniulat naman ng Ministry of Foreign Affairs ng Thailand na hindi pa rin kumpirmado ang lagay ng huling natitirang Thailand hostages sa Gaza, sa kabila nang pagpapalaya sa limang iba pang bihag na Thai.