Tindahan ng sapatos na ninakawan ng sapatos na pang-kanang paa lang

                                                 photo credit: www.upi.com

Pinasok ng magnanakaw ang shoe store sa Virginia USA  at kumuha ng ilang sneakers na lahat ay para sa kanang paa.

Hindi malinaw kung right-footed sneakers lang talaga ang balak kunin ng magnanakaw, o nagmamadali ito kaya di napansin na pawang kanan ang kaniyang nakuha.

Ayon sa proprietor ng Clean Soles sa Roaoke, Virginia, 13 right-footed shoes ang nawala sa tindahan, na aniya’y hindi naman mapakikinabangan ng kumuha dahil walang kapareha.

May ilan din namang gamit na kinuha ang magnanakaw na mapakikinabangan, gaya ng isang pares ng sneakers, ilang polo shirts at hoodies.

Hinahanap na ngayon ng pulisya ang suspek, na nakunan ng video habang ginagawa ang pagnanakaw, pero nakatakip ang mukha nito kaya di malaman kung babae o lalaki.

Nabatid na hindi ito ang unang beses na ninakawan ang Clean soles ng mga right-foot sneakers.

Nito lamang nakalipas na July, pinasok din ng dalawang magnanakaw ang naturang tindahan ng sapatos kung saan pawang pang-kanang sapatos lang din ang kanilang kinuha.

Isang 17-anyos ang nakasuhan kaugnay ng naturang pagnanakaw.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *