Umano’y Mafia sa Philhealth, hindi kukunsintihin ni Pangulong Duterte – Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang Mafia sa alinmang ahensiya ng pamahalaan.

Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa ibinulgar ng isang dating opisyal ng Philhealth sa inbestigasyon ng senado na mayroong Mafia sa loob mismo ng state health insurance.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kilala si Pangulong Rodrigo Duterte na galit sa anumangburi ng korapsyon sa gobyerno.

Itinanggi din ni Panelo na kilala niya ang sinasabing bumubuo ng Mafia sa Philihealth na tinaguriang Davao group.

Ayon kay Panelo hihintayin ng Pangulo ang resulta ng imbestigasyon sa anomalya sa Philhealth.

Magugunitang dahil sa sumingaw na anomalya pinagbitiw ni Pangulong Duterte ang buong board ng Philhealth at sinibak ang dating namumuno sa health insurance ng gobyerno.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *