Virus na nagmula sa manok na sanhi ng bird flu maliit lang ang tyansang makahawa ng tao – DOH

Maliit lang ang tyansa na mahawa ang tao sa virus na nagmula sa manok na sanhi ng bird flu.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, hindi dapat  na  ikabahala ang bird flu dahil ligtas kainin ang mga manok na may bird  flu basta matiyak lamang na naluto itong mabuti.

Ang iniiwasan lamang aniya ay kumalat pa ang virus sa ibang mga manok o kaya ay itik, pato at pugo.

Ang binabantayan lamang aniya ng DOH ay ang direct contact sa mga tinamaan ng bird flu partikular yaong mga nagtatrabaho sa farm.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *