Visayan bloc sa Kamara, pipili na lang isang kandidatong susuportahan na maging House Speaker

Nagkaisa ang Visayan bloc sa Kamara na magkaroon ng Bloc voting sa botohan sa House Speakership sa 18th Congress.

Ayon kay Outgoing Negros Occidental Rep. Albee Benitez, lider ng Visayan Bloc sa Kamara, ito ang consensus na nabuo matapos ang kanilang pulong kasama ang mga miyembro.

Magiging batayan sa kanilang pagpili ng ihihirang na susunod na speaker ay ang kakayahan nitong pagkaisahin ang Kamara at maayos na relasyon sa Executive Department.

Inaasahan na mula sa 41 ay tataas pa sa 47 na bilang ng mga miyembro ang Visayan bloc sa 18th Congress.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *