Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at Canada, sumasailalim sa negosasyon – DFA

Kasalukuyang sumasailalim sa negosasyon ng Pilipinas at Canada ang Status of Visiting of Forces Agreement (SOVFA) ng dalawang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay mahalagang development kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ng Pilipinas at Canada noong Enero 19, 2024.
Sinabi ng DFA na ang SOVFA ay mas nagpapalalim sa relasyon ng Pilipinas at Canada na matagal nang magkaibigan.
Tiniyak ng kagawaran ang commitment ng Pilipinas para mas mapaigting ang defense capabilities sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa.
Ipinauubaya ng DFA sa Department of National Defense (DND) ang mga detalye sa negosasyon sa kasunduan.
Moira Encina-Cruz