NBI inirekomendang sampahan ng reklamo si VP Sara dahil sa pagbabanta kina PBBM

0
NBI inirekomendang sampahan ng reklamo si VP Sara dahil sa pagbabanta kina PBBM

Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na inirekomenda ng kawanihan na sampahan ng reklamo sa DOJ si Vice- President Sara Duterte, dahil sa sinasabing pagbabanta sa buhay nina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta- Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Santiago, mga reklamong inciting to sedition at grave threats ang isasampa laban sa pangalawang pangulo.

Nag-ugat ito sa pahayag ni Duterte na may kinausap na siyang tao para patayin ang pangulo sakaling mamatay siya.

Ipauubaya ni Santiago sa DOJ ang pag-evaluate sa reklamo at kung isasailalim ito sa preliminary investigation.

Tumanggi muna si DOJ Spokersperson Mico Clavano na magkomento hanggang hindi pa nila pormal na natatanggap ang reklamo ng NBI.

Una nang itinanggi ni Duterte na pinagbantaan niya ang first couple at ang house speaker.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *