Voter registration para sa 2019 Elections, ipagpapatuloy ng Comelec sa July 2

Itutuloy ng Comelec ang voter registration sa July 2, 2018 para sa May 2019 Local at National elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ang voter registration hanggang sa September 29, 2018.

Tanging sa Marawi City, Lanao del Sur lamang anya hindi makapagsasagawa ng voter registration.

Sinabi ni Jimenez na tungkulin ng poll body na magsagawa ng regular na pagpaparehistro para sa mga kwalipikadong botante sa buong bansa.

Kailangan anyang personal na magparehistro ang mga aplikante sa Office of the Election Officer sa lungsod, munisipalidad o distrito kung saan sila nakatira.

Bukas (open) ang Comelec offices mula Lunes hanggang Sabado maging tuwing holiday mula alas otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon para sa voter registration.

Bukod sa bagong registration, tatanggap din ang  Comelec ng mga aplikasyon para sa transfer o transfer with reactivation, reactivation, at change o correction of entry sa listahan ng mga botante.

Magsasagawa rin ang Comelec ng satellite registration mula July 2 kung saan pupunta ang mga field officials ng ahensya sa mga barangay, plaza, paaralan at iba pang pampublikong lugar.

Ipaprayoridad sa nasabing offsite registration ang mga indigeneous peoples, senior citizens at mga buntis.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *