Water service interruption ng Manila water ngayong araw, Sept. 20

 

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang lugar na sinenersbisyuhan ng Manila Water sa Makati at Maynila.

Sa abiso ng Manila Water, mula mamayang alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, Sept. 21, ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Cardona kanto ng JP Rizal sa Barangay Valenzuela sa Makati city.

Parehong oras din ang water interruption ang nakatakda sa Aranda kanto ng Tirad streets sa Barangay Singkamas.

Samantala, mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga ay mawawalan naman ng suplay ang bahagi ng Sta. Ana, Maynila.

Kabilang sa mga maaapektuhang Barangay ay ang Barangay 800, at Barangays 808 hanggang 813.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *