Bagong BSP Governor, posibleng pangalanan na ni Pang. Duterte

Posibleng pangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw mula ngayon ang bagong Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Ito ang inihayag  ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa sidelines ng taunang pagpupulong ng Asian Development Bank sa Yokohama, Japan.

Kabilang sa mga pangalan na posibleng pumalit kay BSP Governor Amando Tetangco ang kanyang dalawang Deputy na sina Nestor Espenilla at Diwa Guinigundo.

Gayundin sina dating Monetary Board member Peter Favila gayundin ang kilalang banker na si Antonio Moncupa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *