Buko vendor na nakabugbugan ng MMDA traffic enforcer, inaresto ng PNP CIDG

Mistulang nabaligtad ngayon ang mundo ng buko vendor na si Romnick Relos na nagviral matapos bugbugin ng mga tauhan ng MMDA.

Ito ay matapos siyang arestuhin kanina ng mga tauhan ng PNP CIDG kasama ng dalawa pa nyang kapatid.

Ang buko vendor na si Romnick at mga kapatid na sina Roy at Dondon ay kapwa nahaharap sa kasong murder sa Masbate na nangyari noong 2007.

Subalit iginiit nila na self defense lang ang nangyari at inosente rin umano ang kanilang bunsong kapatid na si Romnick na umawat lang sa kanila.

Aminado ang tatlo na nagtungo sila sa Maynila para takasan ang kaso sa Masbate at ngayon ay parehong nagtitinda ng buko.

Pero sa harap nito, wala umanong pinagsisihan si Romnick sa paglutang nya sa telebisyon na naging daan para maungkat ang kanilang kaso.

Batid ni Romnick na masaya ngayon ang mga taga MMDA sa nangyari sa kanya.

Pero hindi pa dito natatapos ang lahat, dahil desidido pa rin sya na ituloy ang kaso laban sa mga nambugbog sa kanya.

Nakatakdang sumailalim sa booking procedure ang magkakapatid na Relos na pansamantalang naka kulong sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *