50 patay, 150 sugatan sa bakbakan sa Libya

 Halos 50 na ang patay kabilang ang 18 sibilyan sa nagpapatuloy na bakbakan ng mga magkalabang paksyon ng mga rebeldeng grupo sa kabisera ng Tripoli sa Libya.

Tinaya naman ng lLbyan Health ministry sa 150 ang sugatan sa sagupaan kabilang ang mga sibilyan.

Nagsimula ang kaguluhan noong Agosto 27 matapos salakayin ng 7th Brigade armed group ang kalabang rebeldeng grupo.

Bagaman nagkasundo sa isang ceasefire na sinuportahan ng United Nations, muling sumiklab ang putukan na sinundan ng pag-ulan ng mga rocket dahilan upang pansamantalang isara ang nag-iisang airport sa Tripoli.

 

============

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *