PAL, kinansela ang Osaka flights ngayong araw dahil sa typhoon Jebi

 

Kinansela ng Philippine Airlines ang flights nito ngayong araw  papunta at paalis ng Osaka, Japan dahil sa paghagupit ng  typhoon Jebi.

Sinabi ng PAL na isinara ang Kansai International airport dahil sa malalakas na hangin at pag-ulan na nagdulot ng pagbaha.

Kanselado ang mga sumusunod na flights:

Kansai-Manila-Kansai (PR407/408)

Cebu-Kansai-Cebu (PR410/409)

Taipei-Kansai-Taipei (PR896/897)

Sa ngayon ay isinara rin ang tulay na nagkokonekta sa Kansai airport at Osaka City matapos tamaan ng isang tanker ship dahil sa malakas na hangin.

Sinabi ng PAL na ang mga apektadong pasahero ay ire-rebook sa mga susunod na available na flights o maaaring piliing magpa-reroute sa iba pang airports ng Japan.

Inabisuhan ang mga pasahero na gustong magpa-rebook, reroute o magrefund na tumawag sa kanilang hotline na 855-8888 o magtungo sa pinakamalapit na ticketing office o partner travel agent.

 

==========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *