55 sa 67 mga biktima ng Washington helicopter plane collision nakilala na

A memorial honoring figure skaters who were among the passengers killed in the collision of American Eagle flight 5342 and a U.S. Army Black Hawk helicopter near Ronald Reagan National Airport, stands at the MedStar Capitals Iceplex in Arlington, Virginia, U.S. February 2, 2025. REUTERS/Kent Nishimura
Positibo nang kinilala ng mga opisyal ang 55 sa 67 kataong namatay sa midair collision noong Miyerkoles, sa pagitan ng isang American Airlines passenger jet at military helicopter sa ibabaw ng Potomac River sa Washington, D.C.
Sa isang press conference ay sinabi ni Fire Chief John Donnelly, “It’s my belief that we’re going to recover everyone. We have some work to do as the salvage operation goes on.”
Ngayong Lunes, ay sinabi ng Army Corps of Engineers na sisimulan na nilang alisin ang wreckage mula sa ilog, na ayon sa mga opisyal ay maaaring abutin ng isang linggo o mas matagal pa.
Ayon kay Colonel Francis Pera ng U.S. Army Corps of Engineers, “We have a wide debris field. Within that wide debris field, we’re employing different techniques to make sure we can understand what’s in the water.”
Dagdag pa ng mga opisyal, naudlot ang kanilang trabaho nang madiskubre ang mga labi habang nagsasagawa ng removal operations.

Memorial for victims of American Eagle flight 5342 collision, MedStar Capitals Iceplex, Arlington, Virginia, February 2, 2025. REUTERS/Kent Nishimura
Nitong Linggo, dumating sa gilid ng ilog malapit sa crash site ang kaanak ng 67 kataong namatay, lulan ng mga bus.
Ang wreckage ay ililipat sa isang hangar sa Washington Reagan National Airport. Namamalagi namang restricted ang malaking bahagi ng Potomac River sa authorized vessels, habang nananatiling sarado ang dalawang runways ng airport na hindi masyadong ginagamit.
Noong Sabado ay sinabi ng National Transportation Safety Board, na nadetermina na nila na ang CRJ-700 airplane ay nasa 325 talampakan (99 metro), humigit-kumulang 25 talampakan nang mangyari ang kowalisyon.
Ang impormasyon ay batay sa data na nakuha mula sa flight data recorder ng jet o ang tinatawag na “black box,” na siyang sumusubaybay sa galaw ng aircraft, sa bilis nito at iba pang parameters.

People react at a memorial for victims Sean Kay, Angela Yang, and Coach Sasha Kirsanov of the American Eagle flight 5342 plane crash at Fred Rust Ice Arena in Newark, Delaware, U.S. February 2, 2025. REUTERS/Rachel Wisniewski
Iminumungkahi ng bagong detalye, na ang Army helicopter ay lumilipad nang lampas sa 200 talampakan (61 metro), ang maximum altitude o taas para sa rutang ginagamit nito.
Kinumpirma rin ng data na inalerto ng air traffic controller ang helicopter tungkol sa presensiya ng CRJ-700 mga dalawang minuto bago ang aksidente.
Ayon sa cockpit voice recorder ng eroplano, isang segundo bago ang impact, ang American flight crew ay nagkaroon ng isang “verbal reaction,” at lumilitaw sa flight data na ang nguso ng eroplano ay nagsimulang umangat.