Partylist group naghain ng petisyon para atasan si House Speaker Martin Romualdez na panumpain sa puwesto ang kanilang first nominee

Supreme C

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang P3PWD Partylist group, dahil sa kabiguan ni House Speaker Martin Romualdez na panumpain ang first nominee ng grupo.

Sa petition for mandamus, hiniling ng grupo sa Supreme Court na atasan si Romualdez na agad na magtakda ng iskedyul at panumpain sa posisyon ang first nominee nito na si Maria Camille Ilagan, para maisama ang pangalan nito sa mga miyembro ng Kamara at magampanan na ang tungkulin.

Ayon kay dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sa kabila ng pinal na desisyon ng Korte Suprema ukol sa electoral mandate ng P3PWD ay tumanggi sina Romualdez at House- Secretary General Reginald Velasco na isagawa ang oath or affirmation ni Ilagan.

dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon

Sinabi ng petitioners na nakagawa ng grave abuse of discretion si Romualdez dahil sa kabiguan na panumpain ang first nominee ng grupo, at pagkontra sa resulta ng eleksyon.

Kasabay nito, kinuwestiyon nina Guanzon ang rules sa Kamara na obligado na manumpa sa house speaker ang nahalal na miyembro para ganap na makaupo sa puwesto.

Ayon kay Guanzon, “Unconstitutional na kailangan pang magceremonial oath or affirmation ng isang elected at naka oath ng congresswoman ng P3PWD bago sya makaupo at makasali sa plenary. Hindi naman pwede itong hinalal ang P3PWD ng tao may Supreme Court decision na may proclamation na sa Comelec, may oath na before a judge ay hindi pa rin kami mapaupo, ang ibig bang sabihin nun ay pwedeng maveto pala ng speaker ang eleksyon, ang will ng voters?”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *