65 indibidwal kasama sa panibagong lookout bulletin ng DOJ kaugnay sa Atio hazing case

Nagpalabas ang doj ng updated immigration lookout bulletin order laban sa mga itinuturing na persons of interest sa pagkamatay ng law student na si Horacio Castillo III.

Kabuuang animnaput-limang indibidwal na ang kasama sa sa panibagong lookout list.

Kabilang sa mga nadagdag si UST Civil law Dean Nilo Divina at iba pang board of trustees ng Aegis Juris.

Kasama na rin sa listahan ang mga bagong pangalan na tinukoy ni Marc Anthony Ventura na present sa hazing rites kay Atio.

Isinailalim din sa immigration lookout ang mga abogado na kasama sa facebook group chat ng Aegis Juris kung saan pinagusapan ang sinapit ni atio at ang planong pagcover-up sa insidente.

Ang mga ito ay ang mga abogado na sina Alston Kevin Anarna, Cecilio Jimeno, Cesar “Mong” Gaba dela Fuente, Cesar Ocampo Ona, Edzel Bert Canlas, Ferdinand Rogelio, Gaile Dante Acuzar, Caraan, Henry Pablo Jr, Jet Dela Peña Villaroman, Manuel Angelo Ventura III, Marvi Abo, Michael Vito at Niño Servanes.

Ulat ni MOira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *